Текстов песен в базе: 1 278 328
Indak

Indak

Up Dharma Down

Текст песни

Tatakbo at gagalaw
Mag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang, atakihin
Ang paghinga’y nabibitin
Ang dahilang alam mo na
Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dal’wa lamang ang makakaalam
Ngunit ako ngayo’y naguguluhan
Makikinig ba ako
Sa aking isip na dati pa namang magulo?
O iindak na lamang
Sa tibok ng puso mo
At aasahan ko na lamang na
Hindi mo aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at magsasayaw
Habang nanonood siya
Paalis at pabalik
May baong yakap at suklian ng halik
Magpapaalam at mag-sisisi
Habang papiglas ka ako sa’yo ay tatabi
Tayong dalawa lamang ang nakakaalam
Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pagbibigyan ko
Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto
Ngunit pipigilan ang pag-ibig niya na totoo
Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo
At aasahan ko hindi niya lamang aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at magsasaya
Habang nalulungkot ka
Pipikit na lamang at magsasaya
Habang nalulungkot ka
Ako’y litong-lito
Tulungan niyo ako
'Di ko na alam
Kung sino pa’ng aking pagbibigyan, o
Ayoko na ng ganito
Ako ay litong-lito ohwooh
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/5nTJ

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2026 Тексты песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Связаться
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать и тому подобное.