Текстов песен в базе: 1 278 222
Sana

Sana

Up Dharma Down

Текст песни

Nilibot na ang buong mundo
Di pa rin ako nakukuntento
Makakahanap ng ipapalit
Nang walang babala
Lumipas ay nagbabalik pala
Nalilito na ako hindi na dapat gan’to
Nakaraan ay natapos at napagdaanan na
Bakit na sisindak pa sa t’wing naaalala
Matatauhan na wala ka na pala
Ako sila’y nandito na
Ikaw na lang ang kulang
Anong lunod o lalim ba’t 'di na lang lumutang
Anong pait ang matamis at aking susubukan
Anong silbi ng narito
'Di mo na kailangan
Hindi nga nagtagal ang pagpapanggap na 'to
Kaliwa at kanan harap at likod ano mang anggulo
Titigan ay bumibigay ako
Damdamin ay kay bigat
Naisip na ang lahat
Wala na ba talaga akong magagawa pa
Ako sila’y nandito na
Ikaw na lang ang kulang
Anong lunod o lalim ba’t 'di na lang lumutang
Anong tamis ang mapait at aking iiwasan
Walang silbi ang narito
'Di mo na kailangan
Wala na bang makapapantay at 'di na ba dapat pang maghintay?
Ako lang ba ang nagkasala?
Kumakapit sa natitirang sana
Kung babalik ka pa
Hanggang kailan kaya?
Ako dito mag aabang
Na magdugtong na ang patlang
Ang kulang ay mapupunan
Wala nang makahahadlang
Wala na yatang hihigit
Sa pangungulila ko
Iba na bang nagbibigay ng mga kailangan mo?
Oh sana
Kay higpit ng kapit sa unan kagabi ko
Oh sana
Inaasam muling makatabi at mahalik sana
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/5nTE

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2025 Тексты песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Связаться
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать и тому подобное.