Текстов песен в базе: 1 278 222
Lumalapit (Spoken Words)

Lumalapit (Spoken Words)

The Juans

Текст песни

At sa punto na hindi ko na kaya ang sakit
Doon ko naisip na kailangan ko na talagang bumalik
Hindi doon sa tao na sa akin ay nanakit
Pero sa Kaniya na sa aki’y handang yumakap nang mahigpit
At dahil Siya ang unang lumapit
Pagkakataong kailangan ko ay aking nakamit
At nakayanan kong itulog nalang yung sakit
Dahil alam kong kasabay ng paglipas ng oras
Ang puso ko’y maghihilom din
At dahil pag-ibig ni Hesus ay aking nabatid
Ang iniibig kong mapanakit ay napagdesisyunan ko nang ihatid
Doon sa lugar kung saan siya magiging masaya
Ay ang lugar din kung saan ako naman ay magiging malaya
Sa wakas ay natanggap kong hindi tayo pwede dahil sabi niya
Para sa 'kin daw hindi lang puro kilig at tawanan
Mayroon ding desisyon at paninindigan
Isang mahaba at makulay na panaginip
Masalimuot na kwento, mabigat sa dibdib
Ngunit pagkatapos ng mahabang dilim
Sa yakap Niya ako ay nagising
May bagong umaga na sa akin ay dumating
Lumalapit, lumalapit sa 'yo
Sana ako’y patawarin mo
Lumalapit, lumalapit sa 'yo
Pagkakataon ang kailangan ko
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/5gtc

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2025 Тексты песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Связаться
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать и тому подобное.