Andami dami daming maiingay dun sa amin
O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Gandang umaga haring araw
Tulala sa kaning bahaw
Pang-amoy na nabusog sa lumalapang
Alingasaw ng kalyeng kairitang halayang ininit lang
Tiis lang ang lasa parang minumog na sinigang
Pasok sa paaralan, ganon pa din pag-uwi
Dakilang tagahiwalay ng dekolor sa puti
Poso na nagturo sa’king pa’no humingang malalim
Lumaki na gutom lamang ang 'di kayang kalabanin
Mababad man sa gawaing bahay
Laging nangunguna pag nakahawak ng pluma ay nag-iibang anyuan
Ani mo’y sinaniban ni Buddah, Shiva, Garuda, Kristo, Medusa
Dami ng duda, dumami din ang mga balahibo na mas pinatayo
Andami dami daming maiingay dun sa amin
Bibihira kung dalawin ng grasya’t sariwang hangin
Sa dami ng bukambibig kung nakakulong lang sa silid
Mikropono lang pala ang kailangan upang ako’y madinig
Andami dami daming maiingay dun sa amin
O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Andami dami daming maiingay dun sa amin
O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Taas noo pa ding nakayuko
Salop man ay madalas mapuno
Sa kabila ng nagbabalak, apulahin ang apoy sa pasan na sulo
Parang kadabuwan nakikipagbuno, tuwing araw ng dalaw laging madugo
Ngayon man ay siniguradong makalaglag takuri kada bagong pakulo
Napapakapit tuko lahat ng aking kuko
Nakabaon ng malalim para lang hukayin ang mga diyamante sa aking bungo
Andami nating gusto na 'di magawa pagka’t ayaw nating matukso
Mga bagay na 'di mo na pwedeng gawin
Kapag ka dumating na ang ating sundo
Pagkagaling sa eskwela, rekta palit kamiseta
Takas sa pagkakatengga sa parisukat kong planeta
Sa dinamidami ng mabenta pansakit sa kabila ang tenga
Di na malabong sulatan ko lang ang tanging magtunog riseta
Andami dami daming maiingay dun sa amin
Mga sikmurang mistulang hindi pa kumakain
Sa dami ng bukambibig kung nakulong lang sa silid
Mikropono lang pala ang kailangan upang ako’y madinig
Andami dami daming maiingay dun sa amin
O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Andami dami daming maiingay dun sa amin
O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Dapat karapat-dapat sya pag-iiwanan mo
Dapat karapat-dapat sya pag-iiwanan mo