Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (nakinabang)
'Katapos makinabang (makinabang)
Wala ka nang pakinabang (pakinabang)
Ganun talaga ang ugali ng iba
Minsan ay mabait kapag kailangan ka
Pero kapag nagkulang
Halos tabunan ka ng masasakit niyang mga salita
(Yeah yeah yeah)
Marami na 'kong nakilala sa 'ki'y nakinabang
Kapag walang-wala ka na, 'di ka nila kailangan
Anong pag-uusapan, wala namang baryangan
'Di ka dapat magtiwala, yun lang ang kailangan
Napalingat ka, dapat mag-ingat ka
Dapat nakadilat ka kasi dapat 'di ka niya
'Pag nahimas ka lahat malilimas niya
Lahat ng kilos mo nakikita niya
Kahit pa umiwas ka
Sa una pakitang-gilas pero sa huli
'Pag ubos na, lilikas na
Hey
'Di ka na
'Di ka na kailangan nu’n
'Di ba nga, sabi niya, «anong pakinabang n’un?» (pakinabang nu’n)
'Di mo na halata, napakautak nu’n
Gusto nila lagi na bagyo
Ayaw nila sa ambon
Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (nakinabang)
'Katapos makinabang (makinabang)
Wala ka nang pakinabang (pakinabang)
Sabi nila
Wala kang pakinabang
'Di ka na kailangan
Kailangan daw 'yung bago
Bagong magagatasan
Yung hindi na pumapalag
Laging opo ang sagot
At higit sa lahat ng 'yun
Yung bobong 'di magtatanong
Mahabang panahon ang ginugol ko
Para marating ang katayuan ko
Pawis, luha, oras
At patak ng dugo ang puhunan ko
Pumusta nang walang katiyakan
Sa larong nu’n 'di ko alam
Hanggang sa guminhawa at ang bulsa ko ay magkalaman
Bigla niyang nakilala
Tumabi na ang kumilala
Kahit na 'di ko kakilala
Lahat gusto na makasama
Kahit na 'di ko kapamilya
Lahat sa 'kin ay umaasa
Laging nakasahod
Unahan pa sa pila
Lahat gustong tumamasa
Ganyan sila pero bigay lang kasi meron pa
Ba’t ngayon biglang nag-lay low porke’t bangkosero na
Yung mga dati na linta noon saan na napunta
'Yan sila 'pag walang mahita sa 'yo ay tapon ka
Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (nakinabang)
'Katapos makinabang (makinabang)
Wala ka nang pakinabang (pakinabang)
Bakit paggising ko ay wala na sila
Yung mga kasama ko nung marangya ang buhay
Mga kasama magsaya na nangako
Kung maghirap ay hindi mawawala
'Yan ang mga galawan ng mga gustong sumabay sa agos
Mabait sa harapan mo pero saksak sa likod pagtapos
Tapos 'pag 'di mo matulungang makaraos
Bigla na silang mawawala parang nag-snap si Thanos
Nandiyan sila 'pag meron ka
'Pag wala naglalaho na parang bula
Nasa’n na ba napunta 'yung akala na kasangga mo
Sa hirap at ginhawa’y aaya yun nandiyan nung puno pa ang bulsa at pitaka
Mga para nang imbisibol nung kita’y 'di na visible
Yung tropa mo na mawala ay para bang impossible noon
Pero ngayon nasaan sila
Kung umasta ay para bang 'di ka na kilala
Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (nakinabang)
'Katapos makinabang (makinabang)
Wala ka nang pakinabang (pakinabang)
Saan ka pa lulugar sa mundo na puro boss
Handa kang bumargain sunud-sunuran kahit inaapi nang lubos (boss)
Sa mga gusto nila na mangyari
Iba ang 'yong kutob
Hindi ka pupwedeng umangal kahit pa ba na labag sa 'yong loob
Kasi kahit ikaw pa ay mapaos
O kahit ikaw pa ay mamalat
Kailangan mo lang na sumunod
Wala kang karapatang sumabat
Lalo na at hangga’t ika’y mabigat
Nakita nila na ikaw ay nakaangat
Hindi ka nila basta bibitawan para’t sa leeg mo na nakakagat
Parang vampi-yeah lahat ng dugo sipsip
Walang humpay hanggang matuyo
Parang sampay tapos ipapaligpit goodbye
Kapag sumuway, palalabasing masama sa tao
Ay wala kang utang na loob
Para bang sumbat ng iyong inay
Wala ka na’y at sa kanilang tanikala
Pumalag ka man 'di na kinaya
Pagkatapos ka nilang pakinabangan
Puro pakabig
Walang itinayang ganyan kagaling maghugas-kamay
Parang mga taong sumampalataya
Palalabasing ika’y masama
Para sasabihing hindi ka dinaya
Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (nakinabang)
'Katapos makinabang (makinabang)
Wala ka nang pakinabang (pakinabang)
Yeah, ah
Kala mo’y okay na kasi nakatulong ka
Binigay na’ng lahat ng gusto at ultimo luho nya
Kaso pa’no 'pag gumuho ka
Yung wala ka nang madukot sa bulsa
Tablado ka na, may kaso ka pa
Sa’n ka pupunta
Talagang ekis kahit sa’n mo pa titigan
Ikaw pa yung huhubaran pagkatapos mong bihisan
Mga dugyot ang pagkatao, walang kalinisan
Pagkatapos magsipaglamon plato biglang iiwan
Mga hugas-kamay lang pero hindi yung pinagkainan
Bawat tanong ang daming rason
Ayaw mapagsabihan
Kaya malamang yari ka lalo na 'pag nagka-badtripan
Talagang ikaw ang puntirya
'Di ka na para pahagingan
Kaya mag-ingat ka lalo na 'pag madali kang makisama
Kasi maiisahan ka nila 'di ba
Kaya ngayon sinasabihan na kita
'Pag pumili ka ng kaibigan
'Wag tulad nila
'Pag may kailangan sa 'yo ay tiyak na bubulagin ka
'Pag nakuha na iiwan ka nila
'Yan ang sabi ng iba
Kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang
Sa mata ng nakinabang
'Katapos makinabang (makinabang)
Wala ka nang pakinabang (pakinabang)