Текстов песен в базе: 1 278 222
Mahal Kong Maria

Mahal Kong Maria

Unit 406

Текст песни

Oh binibini, sana’y mapansin mo
Itong aking pusong ngayon lang nabihag ng husto
Tila’y isang bahaghari kung ika’y pagmasdan
Palaging inaabangan sa tuwing matatapos na ang ulan
Kaya hindi na kikimkimin pa hahayaang sumabog hanggang mabitawan ang mga
katagang
«Puwede bang akin ka na lang?»
Hindi naman sa minamadali pero sana’y 'wag nang patagalin
Dahil tunay at walang kapantay ang pag-ibig ko sa 'yo
At ninanais kong malaman mo sagutin ma’y 'di ako hihinto
Habangbuhay kitang liligawan sinta pangakong hindi magsasawa
Nakakabighani ang 'yong mga pisngi
Malabulaklak na namumukadkad sa tuwing ikaw ay ngumingiti
Mahal kong Maria, huwag ka nang mangamba
Sa puso’y ikaw lang mag-isa
'Di na lilingon pa sa iba
Ika’y kakantahan at pagsisilbihan
Handang balikan ang dating ligawan
Kung 'yun lang tanging paraan
Upang pagsamo ko’y pagbigyan
Hindi naman sa minamadali pero sana’y 'wag nang patagalin
Dahil tunay at walang kapantay ang pag-ibig ko sa 'yo
At ninanais kong malaman mo sagutin ma’y 'di ako hihinto
Habangbuhay kitang liligawan sinta pangakong hindi magsasawa
At kung sakaling may nararamdaman na para sa 'kin huwag nang ilihim
Sa halip ay aminin at sabihin ang dalawang letra kong hiling
Hindi naman sa minamadali pero sana’y 'wag nang patagalin
Dahil tunay at walang kapantay ang pag-ibig ko sa 'yo
At ninanais kong malaman mo sagutin ma’y 'di ako hihinto
Habangbuhay kitang liligawan sinta pangakong hindi magsasawa
Oooh… Pangakong hindi magsasawa
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/5S5z

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2025 Тексты песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Связаться
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать и тому подобное.