Текстов песен в базе: 1 278 222
Minsan Minahal Ay Ako

Minsan Minahal Ay Ako

Aiza Seguerra

Текст песни

Ano na lang 'yung 'sang sandali
Na makatikim ng pagmamahal
Matapos ang luhang ipinagpalit?
Ang sandali, 'di naman magtagal
Ang yakap mo’y hahanap-hanapin
Akala ko ang mundo na ay akin
Ngunit hindi pala ganyan
Kay bilis makalimutan
Na minsan ang minahal ay ako
Ano na lang 'yung kaunting pasakit
Kung katumbas ay pagmamahal?
Pag-ibig mo ay aking langit
Kahit buhay ko ay handang isugal
Ang himig mo’y aking aawitin
Habang ako’y kakailanganin
At kung ako’y iyong saktan
Ito ma’y gagawing dahilan
'Pagkat minsan ang minahal ay ako
Ang lingap mo ay hahanap-hanapin
Sa entabladong minsan ay sa akin
At kung ako ay malimutan
Kahit sa awit ko man lamang
Iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan
Na minsan ang minahal ay ako
Ang lingap mo ay hahanap-hanapin
Sa entabladong minsan ay sa akin
At kung ako ay malimutan
Kahit sa awit ko man lamang
Iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan
Na minsan ang minahal ay ako
Iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan
Na minsan ang minahal ay ako
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/5Mvi

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2025 Тексты песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Связаться
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать и тому подобное.