Текстов песен в базе: 1 278 222
Noong Unang Panahon

Noong Unang Panahon

Kuh Ledesma

Текст песни

Noong Unang Panahon
Ang langit at lupa’y
Magkaratig halos
Laganap ang tuwa
Kapag sa banga
Ni butil ay wala
Ang gubat at ilog
May handang biyaya
Noong Unang Panahon
Ang sikat ng araw
Ay nagpapalago
Sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon
Kay init ng darang
Ilog tinutuyo
Parang tinitigang
Noong Unang Panahon
Ang patak ng ulan
Pinasasariwa
Dahong naninilaw
Ngayo’y nagngangalit
May hanging kasabay
May bahang kasunod
Na nakamamatay
Noong Unang Panahon
Ang puso ng tao’y
Marunong magmahal
Hindi nanloloko
Sa hapis ng iba’y
Laang makisalo
Layo’y pumayapa
At hindi manggulo
Pati na ang langit
Na dati’y kay baba
Ay nagpakalayo
Sa ulilang lupa
Bathala gumising
Tuyuin ang luha
Ng nananawagan
At nagpapaawa
Noong Unang Panahon
Ang langit at lupa’y
Magkaratig halos
Laganap ang tuwa
Bathala gumising
Tuyuin ang luha
Ng nananawagan
At nagpapaawa
Noong Unang Panahon
Noong Unang Panahon
Noong Unang Panahon
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/5Muy

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2025 Тексты песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Связаться
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать и тому подобное.