Awit Ng Pag-Asam
Hangad
Hangad Music Ministry
Текст песни
Tulad ng usang uhaw sa tubig ng batis
Ang aking kaluluwa sa Yo’y nananabik
Sa Iyong dambana ako’y aawit, sasamba
Tanging hangad ng buhay ko’y Ikaw, walang iba
Ikaw lang Panginoon, lakas ko’t tanggulan
Pusong tigib sa hirap, Ikaw ang tanging asam
Ang pagod kong diwa ay Iyong pahupain
Magdamag na pagtangis sana ay aliwin
Masdan ang wangis kong hanap ang Iyong langit
Bagabag na kalooba’y punan ng pag-ibig
Ikaw lang Panginoon, lakas ko’t tanggulan
Pusong tigib sa hirap, Ikaw ang tanging asam
Tulad ng usang uhaw sa tubig ng batis
Ang aking kaluluwa sa Yo’y nananabik
Sa Iyong dambana ako’y aawit, sasamba
Tanging hangad ng buhay ko’y Ikaw, walang iba
Tanging hangad ng buhay ko’y Ikaw, walang iba
Тексты других песен исполнителя
© 2017–2025
Тексты
песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать
и тому подобное.