Текстов песен в базе: 1 278 222
Awit Sa Marawi

Awit Sa Marawi

Esang De Torres

Текст песни

Hindi bala, hindi bomba sa Marawi ang sagot
Ang iisang dugo ay galit ang bumabalot
Mga walang kamuwang-muwang kayakap ang luha at takot
Mga maling adhikain ay 'di tamang sagot
Marawi sabay-sabay nating ibabangon
Buong pagmamahal tayo ay aahon
Marawi darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon
Kristyano at Muslim hindi ba’t iisa?
Nilalang tayo ni Allah na iisang Ama
Kung bubuksan ang puso ng bawat isa
Sa mundo ang maghahari ay ngiti’t saya
Marawi sabay-sabay nating ibabangon
Buong pagmamahal tayo ay aahon
Marawi darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon
Hindi kulay ang kailangan upang magkaisa
Pula, puti, asul, dilaw tayo ay iisa
Ang pag-ibig, isapuso 'yan ang mahalaga
Ako, ikaw, sila tayo’y magsama-sama
Marawi sabay-sabay nating ibabangon
Buong pagmamahal tayo ay aahon
Marawi darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon
Marawi…
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/56wp

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2025 Тексты песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Связаться
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать и тому подобное.