Magmula nang magkalayo
Araw gabi, nalulungkot
Di matanggap ng damdamin
Na ikaw ay di na akin
Pa’no ang gagawin ko
Nasanay na sa piling mo
Sana’y hindi tayo nagkalayo
Sana’y naririnig mo
Hindi ko kaya ang limutin kita
Masdan mo, lumuluha ang aking mga mata
Pilitin ko man ako’y nasasaktan
Ang katotohanan ay mahal pa rin kita
Nasa’n ka man, sana’y dinggin
Puso ko ay muling mahalin
Ang nagdaan muling balikan
Muling buhayin ang pagmamahalan
Ay mahal pa rin… kita