Putik
Sandwich
Текст песни
Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo
Pumasok sa pinto ng hindi inimbita (putik)
Nilamon ang lamesa, tv, radyo at sofa (putik)
Alaala sa mga larawan (putik)
Naglaho nang hindi nagpapaalam (putik)
Umakyat sa hagdan at sinakop ang silid (putik)
Kinain ang kama, tukador, cabinet, sahig (putik)
Naubos ang mga sapatos at damit (putik)
Libro, computer, cd, gitarang hindi maipagpapalit
Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo
Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo
Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh
Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh
Sa labas rumaragasang ilog ang kalsada (putik)
Inanod ang palengke at lahat ng paninda (putik)
Nagpatong-patong truck, jeepney at kotse (putik)
Buong bayan nagkulay tsokolate (putik)
Pagpalain ang mga nakaisip mangsagip
Inalay ang sarili at lumusong sa panganib
Buti na lang naiakyat si lola
Ngunit di kasing palad ang kapitbahay niya
Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo
Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo
Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh
Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh
Nagunaw ang mundo
Тексты других песен исполнителя
© 2017–2025
Тексты
песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать
и тому подобное.