Ang aga-aga maingay na
Ang almusal ko ay busina
Ang bilis ng buhay dito
At sa daan maya’t maya
May sasakyang rumaratsada
Mga taong nag-uunahan sa
Itinakdang patutunguhan
Ang bilis ng buhay dito
Ang bilis ng buhay dito
Ang puso’y umaapaw sa kaba
Dahil mahirap ang maging probinsyano sa Maynila
Buhay dito’y buhol-buhol
At laging may hinahabol
Dahil sadyang nakakaloko ang ikot ng mundo dito
Nag-gagandahang mga dalaga sa
Mga gusaling nakakalula
Saan kaya ang pwesto ko sa
Pabago-bagong mundong ito?
Ang bilis ng buhay dito
Ang bilis ng buhay dito
Ang puso’y umaapaw sa kaba
Dahil mahirap ang maging probinsyano sa Maynila
Buhay dito’y buhol-buhol
At laging may hinahabol
Dahil sadyang nakakaloko ang ikot ng mundo dito
Nanliliit ang puso ko
Hanggang kailan maninibago
Nahihirapang sumabay sa
Pabago-bago kong bagong buhay
Ang bilis ng buhay dine
Kay bilis, bilis, bilis, bilis