Kung babalikan natin ang panahon
Mga alaala nating pilit kinalimutan
Iwasan man natin ang pait ng kahapon
Ito’y magbabalik sa unang pagkakataon
Tayo’y may sumpaan
Tila magkaibigan
Magtutulungan sa hirap o ginhawa man
Nasaan ang katarungan?
Nasaan ang kaligayahan?
Na naranasan natin sa nakalipas na panahon
Noong tayo’y masaya at namumuhay ng payapa
Nasaan ang katarungan?
Nasaan ang kaligayahan?
Nating dalawang magkaibigan
Bawat kwento ng pusong nagmamahalan
May pagsubok na pagdaraanan
Magkaiba man ang ating mundo
Tayo’y magkaisa sa pagtupad ng isang pangako
Tayo’y may sumpaan bilang magkaibigan magtutulungan sa hirap o ginhawa man
(Sa hirap o ginhawa man)
Nasaan ang katarungan?
Nasaan ang kaligayahan?
Na naranasan natin sa nakalipas na panahon
Noong tayo’y masaya at namumuhay ng payapa
Nasaan ang katarungan?
Nasaan ang kaligayahan?
Nating dalawang magkaibigan…
Sa pagdaan ng panahon may kasalanang binabayaran bakit nga ba nagka-ganiyan?
(Bakit nga ba nagka-ganiyan?)
(Bakit nga ba nagka-ganiyan?)
Nasaan ang katarungan?
Nasaan ang kaligayahan?
Na naranasan natin sa nakalipas na panahon
Noong tayo’y masaya at namumuhay ng payapa
Nasaan ang katarungan?
Nasaan ang kaligayahan?
Nating dalawang magkaibigan…
Magkaiba man ang ating mundo, hindi hadlang upang matupad
Ang ating pangako
(Ang ating pangako)
Ooohhh…