Naaalala ko pa ang bilin sa akin ni lola
Laging sundin at pakamahalin
Ang utos nila ay wag suwayin
Pero ang tumatak tatak tatak tak
Ang payo ni mama’t ni papa
Mag-aral mabuti maging mabait
Wala munang jowa wag kang makulit
Dahil ang pag-ibig daw kusang dumarating
Ako’y tumatanda na ngunit wala pa rin
Asan ang yong kapareha? Kailan ka ba mag-aasawa?
Palaging kantsaw nila na nakakasawa kaya
Ang hirap sagutin
Ang tanong na bakit hanggang ngayon ba naman wala pa ring
Sumubok magkamali?
Sa puso ko na may isang kahilingan
Kasi ang dami ko nang kaibigan
Please lang baka pwedeng jowa naman
Please lang please lang jowa naman
Please lang please lang jowa naman
Please lang please lang jowa naman
Please lang please lang
Kalaro, kababata
Kaibigan at mga kakilala
Ako’y nangamba bahagyang nagtaka
Bakit sila ay natagpuan na
Ang pag-ibig na aking hinihintay
Ako’y tumatanda na kailan ba ibibigay
Ang aking kapareha na magiging asawa
At ihaharap sa kanila upang matigil na kasi ang hirap
Hirap sagutin
Ang tanong na bakit hanggang ngayon ba naman wala pa ring
Sumubok magkamali?
Sa puso ko na may isang kahilingan
Kasi ang dami ko nang kaibigan
Please lang baka pwedeng
Maranasan ko na may nag-aantay
Yung sabay kayong maglalakad, magkaakbay
Yung pagbubuksan ka ng pinto
Para lang malaman ko kung oras nga ba ay humihinto
Subalit parang mapait ang sinapit
Hindi ko mapilit ang pag-ibig na lumapit
At mahanap ang pangarap
Na magbibigay saya kasi ang hirap
Hirap sagutin
Ang tanong na bakit hanggang ngayon ba naman wala pa ring
Sumubok magkamali?
Sa puso ko na may isang kahilingan
Kasi ang dami ko nang kaibigan
Please lang baka pwedeng jowa naman
Ang puso ay may isang kahilingan
Ang dami dami ko nang kaibigan
Please lang baka pwedeng jowa naman