Simbang gabi nanaman
Tayo gising na, patulog pa lang ang buwan
Ang simoy ng hangin
Dahan-dahang na humahaplos
Sa mukha ng bawat tao
Bumabagsak-bagsak pa ang mata
Dahan-dahang kumislap
Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan
Kung san magkasama tayong nagdasal
At nakinig sa Misa de Gallo
Pagdating ng Ama Namin, ang oras huminto
Nang magkahawak ang ating mga kamay
Umawit mga ulap at sabay
Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng pasko’y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila…
Ang sabi nila…
Pagkatapos magsimba
Habang hinahatid kita sa iyong tahanan
Parang walang katapusan ang ating kwentuhan
Tungkol sa mga buhay ng isa’t isa, ako’y nahalina
Nang mapadaan tayo dun sa may tindahan
Umawit mga ulap at sabay
Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng pasko’y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila…
Ang sabi nila…
Natapos din ang siyam na araw ng simbang gabi
Ang sabi ko sa sarili, baka ito na ang huli
Pero mula nung unang Ama Namin
Na ang iyong kamay ay hinawakan
Di mo na binitawan
Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng pasko’y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila…
Ang sabi nila…
Oh ang sabi nila
Ang sabi nila
Bilhan mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana
Bilhan mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana