Atin ng kulayan mga larawang ipininta
Wag kang magalala kung ang araw ay palubog na
Gagamitin kong maigi ang liwanag na natitira
Hinulma ng panahon, panahon na to para humulma
Ng mga gintong medalya, isang ibong malaya
Nililipad ng hangin, tinatawid dagat at lupa
Humupa man ang ulan hindi parin to hihinto
Sabaysabay nating buksan itong napakalaking pinto (pinto!)
Kapatid kapit, alam kong nakakangawit
Tuloy ang awit parang rebolusyon dun sa Kawit
Tayoy hahabol kasabay ng palo ng tambol
Wag na wag kang susuko, simula palang yan tol
Taglay ko na ang basbas Nya kagabi
Di hahayaan na ako’y magapi
Nagaalab ang bawat sandali
Para sa mga pangarap na gustong makamit
Sige mag alab ka, sige magalab ka, sige mag alab ka
Sa gitna ng karamihan magningning, magmistulang isang tala ka!
Sige mag alab ka, sige magalab ka, sige mag alab ka
Ang pangarap mong makuha’y darating, ipakita mong may laban ka!
Namuhay na alamat sa mata ng iba
Minsan na nadapa pero hindi nagiba
Extra ordinaryo daw pero di sya iba
Mainit man malayo pero di nya ininda
Kasi ito ang tadhana ng isang kampyon
Sumusuong gaano man kasama ngayon ating panahon
Patuloy mong gawin at isabuhay ang panata
Bukas may nakalaan sa ating gantimpala
Hey! Wala ng oras para kumampante
Hey! Pinoy matalino ka’t madiskarte
Hey! Wag kang matakot umabante
Kunin natin ang mga ginto’t dyamante
Taglay ko na ang basbas Nya kagabi
Di hahayaan na ako’y magapi
Nagaalab ang bawat sandali
Para sa mga pangarap na gustong makamit
Sige mag alab ka, sige magalab ka, sige mag alab ka
Sa gitna ng karamihan magningning, magmistulang isang tala ka!
Sige mag alab ka, sige magalab ka, sige mag alab ka
Ang pangarap mong makuha’y darating, ipakita mong may laban ka!
Ang dilim ng kalangitan
Pero tila ba ang hangin binubulong na kakayanin yan
Bawat ihip, lalong umiinit, liwanag ay satin ay sumisilip
Nakakapasong -- tatlong bituwin at isang araw
Sige mag alab ka, sige magalab ka, sige mag alab ka
Sa gitna ng karamihan magningning, magmistulang isang tala ka!
Sige mag alab ka, sige magalab ka, sige mag alab ka
Ang pangarap mong makuha’y darating, ipakita mong may laban ka!
Sige! Sige! Alab Pilipinas!
Sige! Sige! Alab Pilipinas!
Sige! Sige! Alab Pilipinas!
Alab Pilipinas! Alab Pilipinas!
Sige! Sige! Alab Pilipinas!
Sige! Sige! Alab Pilipinas!
Sige! Sige! Alab Pilipinas!
Alab Pilipinas! Alab Pilipinas!