Atras abante hindi ko maintindihan
Minsan kampante bigla na lang mawiwindang
Paulit-ulit lang buong maghapon
Para lang naka kahon
Pawang nagtapon, naubos lang ang panahon
At nang tinawag mo, inawat mo ang ikot ng mundo
Niyakap mo’t binago ang pulso
Hindi mapipigilan ng daluyong
Hindi mababagabag ng dagundong
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Ohhh oh oh
Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal
Siyang nararapat sa puso kong napapagal
Lahat ay kakayanin kong daanan
Kayang-kayang lampasan
Walang hangganan ngayon at magpakailanman
'Pagkat tinawag mo, inawat mo ang ikot ng mundo
Niyakap mo’t binago ang pulso
Hindi matatawaran ang pangarap
Hindi mababawasan ang lagablab
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Ohhh oh oh
'Di ko kaya pag wala ka, 'wag na
Sa piling mo ay may pag-asa
Sa piling mo walang iba
Hindi mapipigilan ng daluyong
Hindi mababagabag ng dagundong
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Ohhh oh oh
Hindi matatawaran ang pangarap
Hindi mababawasan ang lagablab
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Ohhh oh oh
Ohhh Ohhh Ohhh
Ohhh Ohhh Ohhh
Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal