Dyaryo’t kape sa umaga
Ano ang tsismis? Sino’ng nag-asawa?
Parang konsiyerto ang mga huni ng ibon
Sumasabay sa ingay ng TV’ng naka-on
Novena’t kandila nakapatong sa altar
Tanong ng aking ina, «Ba't di ka na nagdarasal?»
Hinde niya alam na ikaw ang nasa isip
At dahil nga sa iyo ako’y natutong manalangin muli
Espesyal, ang turing ko sa iyo
Mahalaga, ka sa aking puso
Dahil sa iyo lamang makikita ang tunay
Dahil sa iyo ang puso ko ay buhay
Trapik at init sa highway na masikip
Saligutgot, t-shirt ko’y basa’t gusot
Sa gitna ng prusisyon ng mga bus at jeepney
Ikaw pa rin ang nasa isip
Ikaw ang aking naiisip
Espesyal, ang turing ko sa iyo
Mahalaga, ka sa aking puso
Dahil sa iyo lamang makikita ang tunay
Dahil sa iyo ang puso ko ay buhay
Beer at pulutan, nakatambay sa gimikan
Mga kwento ng barkada hinde ko maintindihan
Nakatitig lang ako sa aking telepono
Hangad ko sana’y OK ka at iniisip din ako
Espesyal, ang turing ko sa iyo
Mahalaga, ka sa aking puso
Dahil sa iyo lamang makikita ang tunay
Dahil sa iyo ang puso ko ay buhay