Текстов песен в базе: 1 278 222
Kay Ganda Ng Ating Musika

Kay Ganda Ng Ating Musika

Noel Cabangon

Текст песни

Magmula no’ng ako’y natutong umawit
Naging makulay ang aking munting daigdig
Tila ilog pala ang paghimig
Kung malalim, damdami’y pag-ibig
Kung umapaw, ang kaluluwa’t tinig
Ay sadyang nanginginig
Magmula no’ng ako’y natutong umawit
Bawat sandali’y aking pilit mabatid
Ang himig na maituturing atin
Mapupuri pagka’t bukod-tangi
Di marami ang di-magsasabing
Heto na’t inyong dinggin
KORO:
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
At sa habang buhay awitin natin
Magmula no’ng ako’y natutong umawit
Nagkabuhay muli ang aking paligid
Ngayong batid ko na ang umibig
Sa sariling tugtugtin o himig
Sa isang makata’y maririnig
Mga titik, nagsasabing:
(Ulitin ang Koro ng dalawang beses)
Kay ganda ng ating musika!
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/Kih

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2025 Тексты песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Связаться
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать и тому подобное.