Ako’y isang sirena
Kahit anung sabihin nila
Ako ay ubod ng ganda
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko’y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib
Simula pa nang bata pa ako
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya parang lahat ay nalilito
Magaling sa Chinese garter at piko
Mga labi ko’y pulang-pula
Sa bubblegum na sinapa
Palakad-lakad sa harapan ng salamin
Sinasabi sa sarili anong panama nila,
Habang kumekembot ang bewang
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa muka
Na galling sa aking ama na tila di natutuwa
Sa tuwing ako’y nasisilayan, laging nalalatayan
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbis na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal parang pilik matang kulot
Ako’y isang sirena
Kahit anung sabihin nila
Ako ay ubod ng ganda
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko’y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib
Hanggang sa naging binata na ako,
Teka muna mali dalaga na pala to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo?
Dahil ba ang mga kilos ko’y iba
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanunuod ng liga laging na tutulala
Kahit di pumasok ang bola ako’y tuwang-tuwa
Kahit de kalyo na sa tapang
Kase ganon na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
Tama na naman itay di na po ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
Kapag ako’y na iiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako’y ampon
Kase araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
Ang inaabot ng ganda kong pang ilalim ng dagat
Ako’y isang sirena
Kahit anung sabihin nila
Ako ay ubod ng ganda
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko’y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib
Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
Aking mga kapatid lahat sila’y sumama
Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita
Kakain na po itay nakahanda na’ng lame sita
Akay-akay sa paglakad paisa-isang hakbang
Ngayo’y buto’t balat ang dating matipunong katawan
Kaya sayong kaarawan susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan
Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagkacancer
Kase dahil ang tagapag-alaga mo’y nakadaster
Isang gabi ako’y iyong tinawag, lumapit
Ako sayong tabi ika’y tumangan, kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
Anak patawad sana sa lahat ng aking nagawa
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa muka
Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko’y di tutumba.