Текстов песен в базе: 1 277 465
Ikaw Pa Rin Pala

Ikaw Pa Rin Pala

Ogie Alcasid

Текст песни

Minsan tayo ay nagsumpaan,
Habang buhay magmamahalan.
Minsan tayong dalawa’y nangako,
Na iisa ang ating puso.
Ngunit lahat ng iya’y nagbago,
Pag-iibigan ay naglaho.
Ikaw ay nasaktan,
Ako ay iniwan,
Di' ka man lamang nagpaalam.
Ilang taon na rin ang lumipas,
Ika’y nakita at di' ko magawang umiwas.
At nang titigan ka’y bigla kong naalala,
Ang tamis ng iyong halik
Yakap mong napaka higpit.
Hindi parin nagbabagong damdamin ko sa’yo
At sabi mo’y hanggang ngayon mahal mo pa ako.
Bakit kita nasaktan,
Bakit ako’y iniwan,
Akala ko’y wala na akong maaasahan.
Ikaw pa rin pala, ang aking mamahalin.
Ikaw pa rin pala ang iibigin.
Hindi ko akalain na pagkatapos ng lahat
Ikaw pa rin pala,
Ang mamahalin…
Mula ngayo’y di' ka pababayahan aking mahal.
Hinding-hindi na papayag mawala kang muli,
Sa piling ko o mahal ko oh
Ikaw pa rin pala, ang aking mamahalin.
Ikaw pa rin pala ang iibigin.
Hindi ko akalain na pagkatapos ng lahat
Ikaw pa rin pala,
Ikaw pa rin pala,
Ikaw pa rin pala,
Ang mamahalin…
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/3dda

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2025 Тексты песен