Naghihintay pa rin kahit wala ka
Sa aking piling, sinta
Naghihintay pa rin kahit tapos na, giliw
Dito sa mundong kinagagalawan ko
Dito kahit mag-isa
Kahit marami nakikitang iba
Nais ko’y ikaw pa rin, sinta
Naghihintay pa rin kahit tapos na
Naghihintay pa rin kahit wala na
Naghahangad ako nung minsan tayong dalawa
Dito sa aking bintana’y nakadungaw
Anino mo’y tinatanaw
Hinahanap ko halimuyak mo
Ngunit wala na pala
Naghihintay pa rin kahit tapos na
Naghihintay pa rin kahit wala na
Kahit pilit mang limutin tayong dalawa
Higpit ng piling mo’y inaasam pa
Ngunit sadyang lumisan ka
Di na nagbalik tuloy ako’y naiwang mag-isa
Ang nais ko’y sana magbalik
Sana magbalik, tuwina
Dito sa mundong kinagagalawan ko
Dito kahit mag-isa
Hinahanap ko halimuyak mo
Ngunit wala na pala
Naghihintay pa rin kahit tapos na
Naghihintay pa rin kahit wala na
Kahit pilit mang limutin tayong dalawa
Higpit ng piling mo’y inaasam pa
Ngunit sadyang lumisan ka
Di na nagbalik tuloy ako’y naiwang mag-isa
Ang nais ko’y sana magbalik
Sana magbalik, tuwina