Текстов песен в базе: 1 278 222
Huwag Masanay Sa Pagmamahal

Huwag Masanay Sa Pagmamahal

Apo Hiking Society

Текст песни

— Pinangako mo sa akin ang lahat ngunit ang pag-uwi lang ng maaga ay hindi mo
pa matupad
— O, ayan ka na naman sa drama mo
— Aminin mo na na nagbago ka na. Dati nilalambing mo 'ko, kinakarinyo, sinusuyo
— Eh dati, (ngayon, ngayon, hu, uhu, hu) eh paano naman ako gaganahan eh puro
ka nalang dada diyan
— Hu, uhu, hu
— Tumigil ka, tumigil ka na diyan sabi eh… etong… um
— Walanghiya ka, taksil
— Tumahimik ka diyan
— Pinabayaan mo ako dito
— Tumahimik ka!
Huwag na huwag masanay sa pagmamahal
Kapag nasanay ka, naku kawawa ka
Hindi lang basta-basta ang pagmamahal
Kapag umibig ka tila may abala
Ibang-iba ang buhay mo kapag nag-iisa
Walang inaasikasong problema ng iba
Kaya kung nag-aalinlangan magmahal
Ang payo ko sa 'yo ay huwag na lang
Bakit parang umaangal ka ngayon
Ngayon at nasa iyo na ang pag-ibig ko
Hindi ba kelan lamang nung sinabi mo
Walang ibang gusto para sa buhay mo
Ganyan ba talaga ang kwento ng pagmamahal
Parang 'sang gayuma na hindi nagtatagal
Kaya kung nag-aalinlangang magmahal
Ang payo ko sa 'yo ay huwag na lang
Bakit ayaw ng nag-iisa
Kailangan pang merong kasama
Kasama na nagdadala lamang ng sakit ng ulo
Huwag mong pasukan kung hindi mo kaya
Ang buhay ng mayroong kasama
Mabuti pang maiwan na nag-iisa
Wala pang abala
— Hu, uhu, hu
— Ayaw mo talagang tumigil hah
— Walanghiya ka, walanghiya ka talaga, bayaran mo na ang utang mo
— Baka gusto mong, aba, binaon pa ngayon
La La La La La La
Ibang-iba ang buhay kapag nag-iisa
Walang inaasikasong problema ng iba
Kaya kung nag-aalinlangang magmahal
Ang payo ko sa 'yo ay huwag na lang
Ang payo ko sa 'yo ay huwag na lang
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/2GEZ

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2025 Тексты песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Связаться
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать и тому подобное.