Текстов песен в базе: 1 278 222
Ngayon

Ngayon

Sharon Cuneta

Текст песни

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo’y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tama’t mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka’t magpunyagi
Maging aral bawat mali
Ngayon bago ito ay maging kahapon
Ang pagkakataon sana’y huwag itapon (ooh)
Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon
Baka ika’y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon
Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay ngayon
Sa buhay mong hiram
Mahigpit man ang kapit
May bukas na sa iyo’y di na rin sasapit (di na rin sasapit)
Ngunit kung bawat ngayo’y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas, di sumapit pa
Ang naabot mo’y langit na
Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo’y matibay
Dahil ang sandiga’y ngayon
Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa’yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo’y matibay
Dahil ang sandiga’y ngayon
Ngayon…
Ngayon…
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/7aMK

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2025 Тексты песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Связаться
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать и тому подобное.