Mga Kababayan ko
Dapat lang malaman niyo
Bilib ako sa kulay ko, ako ay Pilipino
Kung may itim o may puti
Meron namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong abutin ang 'yong minimithi
Dapat mag-sumikap at ng tayo’y di mag-hirap
Ang trabaho mo, pag-butihin mo
Dahil pag-gusto mo, ay kaya mo
Kung kaya mo, ay kaya niya
At kaya nating dalawa
Mga Kababayan ko
Dapat lang malaman niyo
Bilib ako sa kulay ko, ako ay Pilipino
Kung may itim o may puti
Meron namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong abutin ang 'yong minimithi
Respetuhin natin ang ating ina, ilaw siya ng tahanan
Bigyang galang ang ama, at ang payo niya ang susundan
At sa mag-kakapatid, kailangan ay mag-mahalan
Dapat lang ay pag-usapan, ang hindi na-uunawaan
Wag takasan ang pag-kukulang, kasalanan ay panagutan
Mag-malinis ay iwasan, nakaka-inis marumi rin naman
Ang mag-kaaway ipag-bati, gumitna ka at wag kumampi
Lahat tayo’y mag-kakapatid, ano mang mali ay ituwid
Mag-dasal sa Diyos maykapal maging banal at wag hangal
Itong tula ay alay ko, sa bayan ko at sa buong mundo
Mga Kababayan ko
Dapat lang malaman niyo
Bilib ako sa kulay ko, ako ay Pilipino
Kung may itim o may puti
Meron namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong abutin ang 'yong minimithi