Текстов песен в базе: 1 278 222
Anak Ng Diyos

Anak Ng Diyos

Malay

Текст песни

Ang dami naman, dami namang may alam
Ang dami namang tamang daang paniniwalaan.
Ang dami namang sigurado sa inyo.
Ako lang ba rito ang nalilito.
Ang dami namang mahihiwagang aklat.
Ang dami naman, dami namang taong nagsulat.
Sa bibig ba niya galing ang mga talatang iyan?
Pasensya na po, ako’y naguguluhan.
Dahil diba, kung meron mang ama, ako rin ay anak?
At dahil diba, ako ay sa kanya kahit di ako tiyak?
Ikaw lang ba ang nasa ulap?
Ikaw lang ba ang nakasakay diyan sa magpakailanman?
Ikaw lang ba ang nasa ulap?
Ikaw lang ba ang nakasakay diyan?
Ikaw lang ba ang anak ng diyos?
Sino na ba mga propeta ngayon?
Alam ba nila, alam ba nila
Ang tawag ng panahon
Sa loob nanggagaling ang sariling kahulugan
Ang mga sagot
Ikaw ang makakaalam
Dahil diba, ang bawa’t isang anak
Iniibig ng ama, kahit ano pa siya?
Mga nangungulila,
Bayad nang mga sala,
Ligtas sa dilang masama.
Ikaw lang ba ang nasa ulap?
Ikaw lang ba ang nakasakay diyan sa magpakailanman?
Ikaw lang ba ang nasa ulap?
Ikaw lang ba ang nakasakay diyan?
Ikaw lang ba ang anak ng diyos?
Pano naman, pano naman ako?
Pano naman, pano naman sila?
Pano naman, pano naman kami?
Pano naman, pano naman sila?
Pano naman, pano naman kami?
Pano naman?
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/6PSe

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2025 Тексты песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Связаться
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать и тому подобное.