Ayoko ng may naapi
Ang tunay na lalaki handang tumanggap ng pagkakamali
At may tapang na humarap sa Diyos
Kahit lumusong
Sa pinaka malalim na putik
Mga naipon mong aral ang
Gamit na pang ukit
Sa tipak tipak na burak at kalawang na pabigat
Tandaan mong
Ang lakas mo
Ay kung sino ka ngayon
Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso
Nalalabing paraan
Para sa naabuso
At napapag iwanan
Ng mararangal na tuso
Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso
Simulan natin ang storya ng bata na taga norte
Sa iskwelahan isang mabuting estudyante
Ang bawat hakbang ng mga paay paabante
Kaso sa buhay
Di pwedeng mag paka kampante
Tinuruan ang sariling maging matigas
Lahat ng bunga sa mga puno ay may taga pitas
Kahit mababa ang edad
Kung tumitig ay mataas
Sa lumot di nadudulas
Nalakaran na ang dahas
Tingin man sa kanyay maton
Ay umiiral din ang puso
Ang asal ay patapon
Tuwing merong inaabuso
Naluklok sa posisyon
Unti unti syang natuto
Ang lahat ng desisyon
Ay para lagi sa tao
Minahal ng marami
D’on sa kanila
Kahit na kanino mo ipag tanong alam nila
Sige itanim ang binhi ng kwento palaguin
Ang puno sa Marilao na binansagang Aning
Kahit lumusong
Sa pinaka malalim na putik
Mga naipon mong aral ang
Gamit na pang ukit
Sa tipak tipak na burak at kalawang na pabigat
Tandaan mong
Ang lakas mo
Ay kung sino ka ngayon
Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso
Nalalabing paraan
Para sa naabuso
At napapag iwanan
Ng mararangal na tuso
Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso
Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso
Nalalabing paraan
Para sa naabuso
At napapag iwanan
Ng mararangal na tuso
Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso
Lahat ng ihip ng hangin ay ayon sa kagustuhan
Nabulag ang paningin sa kinang ng kadiliman
Ang mali ay naging tama
Ang tama ay Mali
Peke ang naka lantad habang tunay ang kinubli
Ang kasinungalingan ay ang naging katotohanan
Mga basag na salamin kanyang tinatapakan
Natibo, nahiwa hanggang syay nasugatan
Nang biglang lumipat ang pahina ng kapalaran
Mga kamay na naka posas
Tinging mapang mata
Kasama mo lang ay oras
Malayo sa kanila
Mga malamig na rehas
Palagi kang mag isa
Mga mahal sa buhay
Makakasama pa ba sila
Yan ang tanong ng isang tao na nakakulong
Mga hinaing mo sa buhay ibinubulong
Kahit walang makarinig gaano man kalakas
Natutunang manalangin tumingala sa Itaas.
Kahit lumusong
Sa pinaka malalim na putik
Mga naipon mong aral ang
Gamit na pang ukit
Sa tipak tipak na burak at kalawang na pabigat
Tandaan mong
Ang lakas mo
Ay kung sino ka ngayon
Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso
Nalalabing paraan
Para sa naabuso
At napapag iwanan
Ng mararangal na tuso
Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso
Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso
Nalalabing paraan
Para sa naabuso
At napapag iwanan
Ng mararangal na tuso
Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso
Nabago ng mga aral na hindi galing sa pisara
Kahit naka kulong ay kinalagan ang kadena
Ng galit at tapang makipag sagupaan sa gera
Nanaig ang pakikipag kapwa tao’t pakisama
Pang unawa at pagmamahal
Yan lang ang nag tatagal
Walang tanong na hindi mo kayang sagutin sa Dasal
Manipis o makapal
Tawagin man nilang hangal
Nangangarap parin na makapamuhay ng marangal
Kahit gano katapang o gano man kabagsik
Nababaliko ang bakal yumuyuko sa halik
Ng pamilya at mga Anak
Ngiti na malagkit
Walang kasing tamis doon
Ako lagi bumabalik
Nabigyan ng pag kakataong lumaya
Lahat ng bitbitin na mabigat ay kanya nang pinaubaya
Dahil ang tapang ay di nakikita kung sinong may kayang
Kumalabit ng gatilyo
Bagkos ay ang mag paraya.
Kahit lumusong
Sa pinaka malalim na putik
Mga naipon mong aral ang
Gamit na pang ukit
Sa tipak tipak na burak at kalawang na pabigat
Tandaan mong
Ang lakas mo
Ay kung sino ka ngayon
Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso
Nalalabing paraan
Para sa naabuso
At napapag iwanan
Ng mararangal na tuso
Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso
Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso
Nalalabing paraan
Para sa naabuso
At napapag iwanan
Ng mararangal na tuso
Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso
Diyos lang ang sandalan
Hindii ka na mamali
Hindi ka mapapahamak
Wala kang katatakutan basta’t
Diyos ang kasama mo