Текстов песен в базе: 1 278 222
Hayaan

Hayaan

Cup of Joe

Текст песни

Ngayo’y bumabalik ang mga alaalang kay pait
Muling naririnig ang mga salitang iyong nasambit
Nadarama muli ang mga yakap mong mahigpit
Kaya hayaan sana na ako ngayo’y mapag-isa
Isara ang pinto, ipatulo ang mga luha
Ipikit mga mata, hayaang maglakbay
Isipang gulo at 'di pa sanay na ika’y wala na
Na ika’y wala na
Dahan-dahang sasanayin ang aking sarili
Unti-unting aangat, naghihintay ng tamang saglit
Hinay-hinay, 'wag naman sanang imadali
Kaya pagbigyan na na ako ngayo’y mapag-isa
At 'wag nang mag-alala, sa tamang panahon ako’y babangon na
Ipikit mga mata, hayaang maglakbay
Isipang gulo at 'di pa sanay na ika’y wala na
Na ika’y wala na
Malalim na hininga, damdaming ibuga
Nabibingi sa katahimikang dala
Ng pusong hingalo
Pagod, sumusuko
Oh oh oh oh…
At aking aalamin
Mga tanong na 'di binabanggit (binabanggit)
Mga sagot hinihingi
Hahanapin ang nakakubli (nakakubli)
Pinaglaban, pinaglaban ko sana
Ngunit wala na, wala na 'kong magawa
At aking aawitin
Lahat ng damdaming kinimkim
'Di na kayang mawala
Kaya hayaan sana
Ipikit mga mata, hayaang maglakbay
Isipang gulo at 'di pa sanay na ika’y wala na
Поделиться ссылкой:
Короткая ссылка: https://tekstpesni.ru/s/5cNW

Тексты других песен исполнителя

© 2017–2025 Тексты песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Связаться
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать и тому подобное.