Bayad Ko
Gloc 9
Noel Cabangon
Текст песни
Pagdaan sa may quezon avenue sumakay naman si ate marilou, bente kwatro anyos
walang natapos ang anak ay nasa ICU, pag patak ng alas onse naka-kolorete
siya’y nasa tabi at pumapara ng kotse, kahit dos bente kanyang papatulan
pambili ng gamot para malunasan kahit isang araw lang buhay ng kanyang anak ay
madugtungan, bukas ng gabi naman may ilang buwan na ring kanyang ginagawa
walang matagpuan walang syang magawa, bakas sa mukha lahat ng pait ngunit
sanggol nya’y walang kapalit kahit alam nyang siya’y nahawa ng sakit para sa
kanyang anak gagawin ng papikit
Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako eto po ang bayad ko (2x)
May isang batang nakasabit sa istribo, anim na taon ang pangalan ay benito,
maghapon magdamag syang nagtratrabaho punas ng sapatos at bote’t dyaryo para
may makain ang tatlong kapatid, lima, apat, dalawang taon at isang batang
paslit pa lamang ay nakaatang na kanyang balikat, responsibilidad iniwan ng
ama’y nalipat ng ipinasok sa kulungan ang ina sila’y iniwan, sinubukan nyang
pigilan ngunit siya’y pinagtulakan hanggang sa nagkasakit ang bunsong kapatid
at sa isang kariton ang hininga’y napatid ngayon ay di nabatid kung ano ang
syang hatid ang bukas para kay benito na tila parang manhid na sa hapdi dulo’t
ng mga pangyayari sumisinghot ng rugby bumaba sa may malate
Mama' para' dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa na po ako eto po ang bayad ko (2x)
Kahit na ano mang hirap ang sa ati’y dumating
Tumawag lang kay mamang driver tayo’y makakarating (2x)
Mama… para (3x)
Tayo’y makakarating (2x)
Тексты других песен исполнителя
© 2017–2025
Тексты
песен
Все тексты песен на сайте размещены пользователями, редакцией или собраны из открытых источников.
При копировании материалов ссылка на сайт обязательна.
Уважаемые обладатели прав на музыку! На сайте не выкладывается музыка, ее нельзя скачать, послушать
и тому подобное.